Martes, Nobyembre 12, 2013

Kapwa Tao

                                      Ano nga ba ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa kapwa mo? Meron ka bang nararamdaman? Madalas ka bang tumutulong sa kapwa mo? Pagtutulungan ay daan sa pagkakaisa ng bawat mamamayan. Pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain kung taos-puso mo itong ibibigay o maglilingkod. Masarap at magaan sa pakiramdam na nakakatulong ka. Tumutulong na walang hangad na kapalit, hangad lang na mapasaya at mapagaan ang pakiramdam ng ating kapwa. Dito natin naipapakita ang ating pagka-Pilipino, pagkamaawain at pagmamalasakit kahit na kaunti lang ang iyong binigay ay nakakatulong ka pa rin.
                                    

                                   Ngayon na nangyari ang pagsalanat ni bagyong Yolanda na nagdulot ng malaking pagkawasak ng kanilang tahanan, wala ng makain at lalong-lao na, namatay ang kanilang mga kamag-anak. Tulongan natin silang makabangon muli. Sa pamamagitan ng pamimigay ng pera, pagkain, lumang damit, medisina at iba pa na makakatulong sa kanila. Meron nga tayong kasabihan na mabuti pangmamigay kaysa tumanggap. Magkaisa sa pagbibigay ng kanilang pangangailangan. Ipakita natin ang espiritu ng pasko at ang pagka-Pilipino na walang iwanan sa panahon ng kagipitan. Kapag nakita mo ang mga ngiti ng mga taong tinulungan mo ay sulit ang pagtulong mo. Mga ngiti nila na hindi mapapantayan ng ano man. Ang tunay na pagtulong ay hindi ipinagmamalaki ,hindi ipinagkakalat sa mga tao. Kung magkanong halaga ang ibinigay dahil kung ganun ay di tapat ang pagtulong mo. Bagkus ikaw ay nagyayabang. Nagmamayabang ka na angat ka sa iba, mas mayroon kang kakayahan. Magbigay ng maitutulong sa nangangailangan. Kung tunay kang tumutulong dapat nung panahon na kailangan ng tulong ay naroon ka sa kanila handang ibuwis ang buhay maisalba lang sila. Tumulong ka ng naaayon. Hindi dahil nagkakaroon lang ng kalamidad mas hahangaan ka kung iyon ang gagawin mo dahil iyon talaga ang may malasakit sa kapwa. Pagiging kapwa tao ay natural na sa ating mga Pilipino nasa dugo na natin ito. Magkaisa sa muling pagbangon ng Pilipinas.